Thursday, May 28, 2015

You Sold Yourself to Satan (Satan Has Already Bought U)

Malaking problema sa kasalukuyan ang paggamit ng droga ng mamamayan. Ang shabu at iba pang pinagbabawal na droga ay isa sa mga dahilan ng maraming krimen na nangyayari ngayon sa bansa. Maraming krimen ang nagmumula sa paggamit o pagbenta ng pinagbabawal na droga. Ang akda ni Lourd De Veyra na “Satan Has Already Bought U” ay nagpapakita kung gaano ba kalala ang epekto ng droga sa pag-iisip at moralidad ng isang tao.
Sina Cesar at Franco ay mga pangunahing tauhan ng akda. Parehas silang drug addict. Sa pag-uusap nila, malalaman ang sitwasyong ng lugar ng kinabubuhayan nila. Sa pagkweto ni Cesar, mapapansin ang dami ng taong lalang sa illegal na droga. Bata man o matanda, walang ligtas sa impluwensiya ng pinagbabawal na droga. Sa ating bansa, ang mga karaniwang nagdrodroga ay ang mga may problema sa buhay, lalo na ang problema sa pera. Ang droga ay sumisira sa pag-iisip ng mga tao. Ang mga gumagamit nito ay nawawalan sa pag-iisip at nakakaranas ng pagka-“High”. Ito ang dahilan ng pagkalalang ng mga tao sa droga. Gusto nilang malawa sa isip nila ang mga problemang kinakaharap nila. Sa pagkwento si Cesar ng mga tao nagdrodroga, nagpapahiwatig ito ng kalagayan ng tao sa kanilang lugar. Lahat ng tao pwede maging biktima ng droga. Sa akda, pati mga pulis ay nagdrodroga na sangkot sa pagbebenta nito. Pinapahiwatig nito kung gaano kalakas ang impluwensiya ng droga. Bilang mga pulis, sila dapat ang tamang modelo sa mga mamamayan. Sila dapat ang gumagawa ng tama at iniiwasan ang ano mang illegal. Sa pagsabi sa kwento na pati mga pulis ay drug addict, ipapahiwatig nito kung gaano kalala ang sitwasyong ng droga.
Sa huli ng akda, mas pinapakita ang epekto ng droga sa pag-iisip ng isang tao. Ang pagpatay ni Cesar kay Franco sa huli, mas pinibigayan pansin ang katinuan ng pag-iisip ni Cesar. Sa umpisa palang ng storya, mapapansin na kakaiba ang pag-iisip ng drug addict. Mas lumala ito nung pinatay niya si Franco dahil akala niya siya ay niloloko nito. Walang tao sa tamang katinuan ang gagawa ng ganitong krimen. Si Cesar ang nagrerepresenta ng mga pwedeng gawin ng tao kapag sila ang nagpatalo sa droga

Sa kabuuan, nairepresenta ng akda ang sitwasyon ng droga sa Pilipinas. Pinapakita rin dito kung paano nawawala ang katinuan at moralidad ng mga taong guagamit nito. Para sa akin, ang akda ay makakatulong upang malaman ng mga tao na walang magandang maidudulot ang paggamit ng droga. Ang saya na binibigay nito ay katumbas din ng katinuan na nawawala sa paggamit nito. 

No comments:

Post a Comment