Thursday, May 28, 2015

Panandaliang Paraiso (Tangke)

Ang akda na ginawa ni Ferdinand Jarin ay isang natatanging gawa.Ito ay kakaiba dahil ang sarili niya buhay ang ginawa niya basehan sa pagawa nito. Ang akdang “Tangke” ay isang storya tungkol sa mga alaala ni Jarin nung siya ay bata pa. Ito ay parehas din ng kanyang akdang “Ang Anim na Sabado ng Beyblade at mga Sanaysay” na ginagamit din ang kanya mga alaala. Para sa akin, hindi lang puro alaala ang naging basehan ng pagsulat ni Jarin ng “Tangke” dahil sa kanyang paglaki, nababago ang kanyang pagtingin at pananaw sa mga bagay na nakita niya nung bata pa siya.
Sa akda na ito, Malaki ang naging papel ng lugar/ settings na ginamit. Pinapahiwatig nito kung gaano nakakaapekto ang lugar sa mga sitwasyon ng buhay. Nagsimula ang storya dahil lumipat ang may akda mula sa Maynila papuntang probinsya. Ito ang naging dahilan ng problema ng may akda sa kwento. Dahil baguhan siya sa lugar, hindi maiiwasa na siya ay tuksuhin at asarin ng mga kapwa bata. Tinatawag nga siyang bubuwit o maliit na daga dahil sa kanyang maliit na tangkad. Malaki nga ang impluwensiya ng lugar sa buhay ng mga tao.Tulad lang nangyari sa mayakda, ang paglipat niya ng lugar ang naging dahilan kung bakit siya nagkaroon ng mapait na alaala nung bata pa siya.

Maraming simbolismo ang akdang ginawa ni Jarin. Dahil sa pangaasar sa kanya ng mga kapwa bata, nakahanap ng paraiso si Jarin sa taas ng isang Tangke ng tubig. Sa taas ng Tangke, pakiramdam niya ay siya ang nakakataas sa lahat. Sa taas ng tangke, hinid na siya aasarin ng mga tao bilang isang bubuwit. Ang sitwasyon na ito ay sumisimbolo sa kagustuhan ng mga taong makaangat sa buhay. Sino ng aba hindi gusting gumanda at umangat sa buhay. Kapag ang tao ay nakakaranas ng hirap, normal lang na maghangad sila ng magandang kinabukasan. Bilang isang mag-aaral, ang pinapahiwatig ng kwento ay nararanasan ko rin. Hindi madaling mag-aral ng kolehiyo. Sa pag-aaral, maraming pagsubok na dadating. Madali ring mapanghinahan ng loob ang mga mag-aaral. Kailangan din namin ng sarili naming “Tangke”. Kailangan namin ng gabay na magpapakita sa amin na aangat kami sa paghihirap ng pinagdadaanan namin. 

No comments:

Post a Comment