Thursday, May 28, 2015

Problema sa isang Storyang Pambata (Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan)

Ang isang storyang pambata ay kadalasang nakasentro sa mga tamang gawain. Pwede itong tungkol sa pagsabi ng katotohanan o paggawa ng nararapat. Ang storyang “Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan” ay isang halimbawa ng pambatang storya na nakatuon sa paggawa ng nararapat. Ang storya ay umiikot sa pagliligtas ni Pilandok ng mga itlog ng pawikan na gutsong kainin ni Datu Usman. Si Pilandok ay isang tauhan na ginagamit ang kanya angkin na talino upang siya ay magtagumpay. Dahil sa katalinuhan niya, nagawa niyang iligtas ang mga itlog mula kay Datu Usman. 
Maliban sa konteksto na paggawa ng nararapat, ang storya rin ay nagpapahiwatig ng seryosong problema tungkol sa kalikasan. Ang pawikan o sea turtle ay isang hayop na makikita sa mga karagatan ng Pilipinas. Sila ay mga reptile na naninirahan sa karagatan at nangingitlog sa dalampasigan. Sa kasalukuyan, sila ay tinaguriang “Endangered Species”. Maraming “Poachers” ay kumukuha ng kanilang mga itlog at binebetna o ginagawang pagkain. Minsan lang mangitlog ang mga pawikan at dahil sa pagkuha ng mga itlog nila, nababawasan ang kanilang bilang. Maraming nang batas at aksyon ang ginawa ng pamahalaan upang pangalagaan ang mga pawikan at siguraduhing hindi na mababawasan ang kanilang mga bilang.

Ang pagiging endangered ng mga hayop ay kasalanan ng mga tao. Kung susuriin ng mabuti, ang pagkagahaman at pagabuso sa kapangyarihan ang nagiging sanhi nito. Maliban sa pawikan, maraming pang mga hayop na unting unti na nababawasan dahil kagustuhan ng mga taong pagkakitahan sila. Isa rito ay ang Rhinoceros na makikita sa Africa. Malaking halaga ng pera ang katumbas ng kanilang sungay at ito ay habol ng mga tao. Kahit pa mapanganib ang mga Rhinoceros, gagawa parin ng paraan ang mga tao upang makamit ang kanilang sungay. Ito ang katumbas sa relalidad ng storya. Mga taong gahaman sa kayamanan at magagawa nilang pumatay ng hayop para lamang makamit ito. Para sa akin, ang pagiging mouse deer ni pilandok ay may simbolismo maliban sa panggakit sa mga kabataan. Ang pagiging hayop ni pilandok at pagiging tao ni Datu Usman ay sumisimbolo sa ideya na may mga tao mas malala pa kaysa sa hayop. Ang buong storya ay pwedeng tingnan bilang isang pahiwatig ng mga pangit na katangian ng mga tao.  Kung titingnan ng maigi, napakalalim ng storya na ito at umaasa ito sa kamangmangan ng mga bata sa mga problema ng mundo. 

No comments:

Post a Comment