Ang mga bata ngayon ay nakadepende sa mga teknolohiya upang malibang.
Mula T.V, cellphone at tablet, naglalaro na lamang ang mga bata ng mag-isa. Noon,
nung hindi pa masyadong uso ang mga teknolohiya, ang mga bata ay laging nasa
labas at nakikipaglaro sa ibang bata. Simple lamang ang pag-iisip lang mga bata
noon. Hindi nila masyadong naiintindihan at pinag-iisipan ang mga suliranin ng
lipunan. Ang mga problema nila ay dinadala lamang nila sa paglalaro at
pagkwekwentuhan sa kanilang mga kaibigan. Ang akdang “Kuwento ni Lenina” ay
umiikot sa mga suliranin ng lipunan sa mga mata ng bata.
Ang kwento ay umiikot sa mga magkakaibigan na bawat isa ang may kwento
tungkol sa nararanasan nilang problema. Bawat isa ay may kwento tungkol sa
kanilang problema na hindi naman nila gaano naiintindihan at dinadaan na lamang
nila ito paglalaro. Si Lenina, hindi tulad ng iba, ay tahimik at malungkutin.
Ito ay dahil sa mapait na karanasan niya nang patayin ng mga hapon ang kanyang
pamilya.
Ginagamit ng akda ang pagigin inosente ng mga bata upang mas ipadama
ang mga suliranin ng lipunan. Ang mga bata ay likas na masayahin. Hindi normal
para sa kanila na maging seryoso sa buhay at magkaroon ng malaking problema.
Pero hindi ibig sabihin nito na hindi na sila nakakaranas ng paghihirap. Sa
umpisa ng storya, masaya ang mga bata dahil magkakasama silang magkakaibigan at
naglalaro. Habang tumatagal, pinapakita na ang mga nararanasan nilang problema
sa buhay. Bawat isa sa kanila ay may kwento na sumasalamin sa suliranin ng
lipunan. Halimbawa nito ay ang pag-aaway nina Netnet at Carol kung sino mas
mayaman sa kanilang dalawa. Ang ina ni Netnet ay isang popok habang ang pamilya
naman ni Carol ay nasisira dahil nagtratrabaho ang kanyang ama sa Saudi. Dahil
sa kanilang pag-iisip, hindi nila masyadong naiintindihan ang kanilang problema
at idadana na lamang ito sa paglalaro. Ang sitwasyon ni Lenina ang pikamalala
sa lahat. Hindi tulad ng iba, alam ni Lenina ang kanyang problema at ito ang
naging dahilan ng pagkawala ng kanyang saya sa paglalaro.
Ang akda na ito ay isang magandang paraan ng pagpapakita ng problema ng
lipunan. Sa paggamit ng may akda ng mga bata bilang tauhan, mas pinapadama sa
mga mambabasa epekto ng mga suliranin.
No comments:
Post a Comment