Thursday, May 28, 2015

Edukasyon Vs.Kahirapan (Walong Taong Gulang)


Edukasyon ay isang napakahalagang bagay sa buhay ng isang kabataan. Lahat ay may karapatan sa maganda at kumpletong edukasyon ngunit hinid lahat ng kabataan ay kayang makapag-aral. Sa Pilipinas, bilang isang 3rd world country, maraming tao na nawawalan ng karapatan mag-aral dahil sa kahirapan. Ang kahirapan ang umaagaw sa kanila ng kanilang karapatan na makapag-aral. Ngunit hindi lamang mga mag-aaral ang apektado ng kahirapan, pati mga guro rin ay naaapektohan. Ang kwentong ”Walong Taong Gulang” ay tumutukoy kung sa realidad na nangayayari ngayon sa Pilipinas.
            Ang storya ay umiikot sa relasyon ni Miss de la Rosa, isang guro, sa isa sa kanyang estudyante na si Leoncio. Mahahalintulad ang kanilang relasyon sa isang ina na nag-aalala sa kanyang anak. Si Leoncio, kahit hindi diretsyong binanggit sa storya, ay isang kabataan na nakakaranas ng kahirapan. Lagi ito napapansin ni Miss de la Rosa at bilang isang guro, siya ay nag-aalala para sa kanyang estudyante. Nang bumisita si Miss de la Rosa sa bahay ni Leoncio, doon niya talagang nalaman kung gaano kahirap ng pinagdadaanan ng bata at ng kanyang pamilya. Normal sa ating bansa ang ganitong sitwasyon, lalo na sa paaralan. Sanay na tayong makakita ng mga bata na nasa langsangan at namamalimos imbis na nag-aaral sa paaralan. Kahit na ang pampublikong paaralan ay libre para sa lahat, marami parin mga kabataan ang hindi nag-aaral. May mga kabataan din na nais makapag-aral ngunit nahihirapan din dahil kahit paano, may kailangan parin bayaran at panggastusan sa pampublikong paaralan tulad ni Leoncio. Sila dapat ang pag-asa ng kinabukasan pero dahil sa kahirapan, pati sa kanilang sarili, nawawalan na ng pag-asa. Ang storya ay hindi lamang nakasentro sa mga kabataan na apektado ng kahirapan kundi pati narin sa mga guro. Normal din ang makakita ng isang guro na nagtuturo sa napakaraming mag-aaral. Ang pagiging guro sa pampublikong paaralan ay hindi biro. Maliban sa sobrang daming tuturuan, kakaunting lamang ang sweldo. Ito ang dahilang kung bakit may pagkukulang ng guro dito sa Pilipinas. Ang kakulangan din sa guro ay may malaking epekto sa kwalidad ng edukasyon. Sa dami ng estudyanteng hinahawakan ng isang guro at sa kaunting bilang ng mga nagtuturo ay hindi na naaatupag ng guro ang bawat isa sa kanyang mga estudyante. 
            Sa kwentong isinulat ni Genoveva Edroza-Matute ay nagpapahiwatig ng problema na ating bansa sa kahirapan at kung paano ito nakakaapekto sa edukasyon ng mga tao. Bilang isang guro, alam ni Genoveva ang tunay na problema na umiikot sa kahirapan at edukasyon. Ginamit niya ang kanyang sariling karanasan upang makagawa ng isang akdang nagpapakita ng tunay na kalagayan ng lipunan.


No comments:

Post a Comment