Thursday, May 28, 2015

Nasakop ang Pag-iisip (Kamay, Kubyertos, at Sipit)

Dahil sa pananakop ng ibat-ibang bansa, naghahalo ang mga kultura sa Pilipinas. Bawat bansang sumakop sa atin ay nag-iwan ng kanilang impluwnesya at kultura. Ang pagiging ”Colonial Mentality” ng mga Pilipino ay isang produkto ng pananakop ng mga dayuhan.  Ang ”Colonial Mentality” ay ang pagtangkilik ng mga tao sa mga produkto o kultura ng mga dayuhan. Sa akdang “Kamay, Kubyertos, at Sipit“, makikita kung paano nagbago an gating kultura dahil sa pananakop ng ibang bansa lalo na ang Amerika.
Sa storya, nakasentro ito sa paraan ng pagkain ng mga Pilipino at Amerikano. Si Donya Supyag ay ang tauhan na gusto ipatupad ang pagkain gamit ang kultura ng Amerika. Para sa kanya, mas maganda raw gumamit ng nga Kubyertos kaysa sa paggamit ng kamay. Sa character ni Donya Supyag, mapapansing ang pagiging “Colonial Mentality” ng mga Pilipino. Ang pagkain gamit ang mga kamay ay isang kultura ng mga Pilipino. Sa kagustuhan ni Donya Supyag na ipatupad ang paggamit ng kubyertos ay parang din niya tinataboy ang kultura ng mga Pilipino.
Maraming Donya Supyag sa totoong buhay. May mga Pilipino na mas binibigyan halag ang kultura ng America kaysa sa sariling kultura. Hindi naman natin masasabi na kasalanan nila ang mga ito. Ang pananakop ng America ang naging sanhi ng ganitong pag-iisip ng mga Pilipino. Kung susuruin at pag-aaralan ng maigi, mapapansin natin na hindi tayo pisikal na sinakop ng mga Amerikano ngunit nagawa nilang itanim sa ating isipan ang kanilang mga kultura. Ito ang tinatawag na Neocolonialism. Nagawang itanim ng mga Amerikano sa ating mga utak na sila ay kaibigan at dahil dito nagagawa nila at anumang gusto nila sa ating bansa. Dahil din dito, nagkakaroon ng mentalidad ang mga tao na mas maganda kung tuluyan na tayong sakupin ng amerika.  Hindi talaga natin pwedeng sisihin ang mga Pilipino sa pagtangkilik sa produkto ng ibang bansa ngunit hindi ibig sabihin nito ay dapat na nila baliwalain ang sariling kultura. Tayo ay mga Pilipino at dapat natin pinagmamalaki ang ating sariling kultura. Dapat hindi natin kinakahiya ang pagkain gamit ang kamay, pagsuot ng barong tagalog o paglalaro ng sipa. Hindi na natin mababago ang pananakop na ginawa sa atin ng Amerika pero may magagawa tayo para sa kinabukasan. Mahalin natin ang ating kultura.

Ang akdang “Kamay, Kubyertos, at Sipit” ay nagpapahiwatig na para hindi tuluyang mawala ang kultura natin, kailangan tayong kumilos. Hindi magbabago ang mga sitwasyon ngayon kung walang tayong gagawin para baguhin ito. 

No comments:

Post a Comment