Thursday, May 28, 2015

Nasakop ang Pag-iisip (Kamay, Kubyertos, at Sipit)

Dahil sa pananakop ng ibat-ibang bansa, naghahalo ang mga kultura sa Pilipinas. Bawat bansang sumakop sa atin ay nag-iwan ng kanilang impluwnesya at kultura. Ang pagiging ”Colonial Mentality” ng mga Pilipino ay isang produkto ng pananakop ng mga dayuhan.  Ang ”Colonial Mentality” ay ang pagtangkilik ng mga tao sa mga produkto o kultura ng mga dayuhan. Sa akdang “Kamay, Kubyertos, at Sipit“, makikita kung paano nagbago an gating kultura dahil sa pananakop ng ibang bansa lalo na ang Amerika.
Sa storya, nakasentro ito sa paraan ng pagkain ng mga Pilipino at Amerikano. Si Donya Supyag ay ang tauhan na gusto ipatupad ang pagkain gamit ang kultura ng Amerika. Para sa kanya, mas maganda raw gumamit ng nga Kubyertos kaysa sa paggamit ng kamay. Sa character ni Donya Supyag, mapapansing ang pagiging “Colonial Mentality” ng mga Pilipino. Ang pagkain gamit ang mga kamay ay isang kultura ng mga Pilipino. Sa kagustuhan ni Donya Supyag na ipatupad ang paggamit ng kubyertos ay parang din niya tinataboy ang kultura ng mga Pilipino.
Maraming Donya Supyag sa totoong buhay. May mga Pilipino na mas binibigyan halag ang kultura ng America kaysa sa sariling kultura. Hindi naman natin masasabi na kasalanan nila ang mga ito. Ang pananakop ng America ang naging sanhi ng ganitong pag-iisip ng mga Pilipino. Kung susuruin at pag-aaralan ng maigi, mapapansin natin na hindi tayo pisikal na sinakop ng mga Amerikano ngunit nagawa nilang itanim sa ating isipan ang kanilang mga kultura. Ito ang tinatawag na Neocolonialism. Nagawang itanim ng mga Amerikano sa ating mga utak na sila ay kaibigan at dahil dito nagagawa nila at anumang gusto nila sa ating bansa. Dahil din dito, nagkakaroon ng mentalidad ang mga tao na mas maganda kung tuluyan na tayong sakupin ng amerika.  Hindi talaga natin pwedeng sisihin ang mga Pilipino sa pagtangkilik sa produkto ng ibang bansa ngunit hindi ibig sabihin nito ay dapat na nila baliwalain ang sariling kultura. Tayo ay mga Pilipino at dapat natin pinagmamalaki ang ating sariling kultura. Dapat hindi natin kinakahiya ang pagkain gamit ang kamay, pagsuot ng barong tagalog o paglalaro ng sipa. Hindi na natin mababago ang pananakop na ginawa sa atin ng Amerika pero may magagawa tayo para sa kinabukasan. Mahalin natin ang ating kultura.

Ang akdang “Kamay, Kubyertos, at Sipit” ay nagpapahiwatig na para hindi tuluyang mawala ang kultura natin, kailangan tayong kumilos. Hindi magbabago ang mga sitwasyon ngayon kung walang tayong gagawin para baguhin ito. 

Inosenteng Mga Bata (Kuwento Ni Lenina)

Ang mga bata ngayon ay nakadepende sa mga teknolohiya upang malibang. Mula T.V, cellphone at tablet, naglalaro na lamang ang mga bata ng mag-isa. Noon, nung hindi pa masyadong uso ang mga teknolohiya, ang mga bata ay laging nasa labas at nakikipaglaro sa ibang bata. Simple lamang ang pag-iisip lang mga bata noon. Hindi nila masyadong naiintindihan at pinag-iisipan ang mga suliranin ng lipunan. Ang mga problema nila ay dinadala lamang nila sa paglalaro at pagkwekwentuhan sa kanilang mga kaibigan. Ang akdang “Kuwento ni Lenina” ay umiikot sa mga suliranin ng lipunan sa mga mata ng bata.
Ang kwento ay umiikot sa mga magkakaibigan na bawat isa ang may kwento tungkol sa nararanasan nilang problema. Bawat isa ay may kwento tungkol sa kanilang problema na hindi naman nila gaano naiintindihan at dinadaan na lamang nila ito paglalaro. Si Lenina, hindi tulad ng iba, ay tahimik at malungkutin. Ito ay dahil sa mapait na karanasan niya nang patayin ng mga hapon ang kanyang pamilya.
Ginagamit ng akda ang pagigin inosente ng mga bata upang mas ipadama ang mga suliranin ng lipunan. Ang mga bata ay likas na masayahin. Hindi normal para sa kanila na maging seryoso sa buhay at magkaroon ng malaking problema. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi na sila nakakaranas ng paghihirap. Sa umpisa ng storya, masaya ang mga bata dahil magkakasama silang magkakaibigan at naglalaro. Habang tumatagal, pinapakita na ang mga nararanasan nilang problema sa buhay. Bawat isa sa kanila ay may kwento na sumasalamin sa suliranin ng lipunan. Halimbawa nito ay ang pag-aaway nina Netnet at Carol kung sino mas mayaman sa kanilang dalawa. Ang ina ni Netnet ay isang popok habang ang pamilya naman ni Carol ay nasisira dahil nagtratrabaho ang kanyang ama sa Saudi. Dahil sa kanilang pag-iisip, hindi nila masyadong naiintindihan ang kanilang problema at idadana na lamang ito sa paglalaro. Ang sitwasyon ni Lenina ang pikamalala sa lahat. Hindi tulad ng iba, alam ni Lenina ang kanyang problema at ito ang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang saya sa paglalaro.

Ang akda na ito ay isang magandang paraan ng pagpapakita ng problema ng lipunan. Sa paggamit ng may akda ng mga bata bilang tauhan, mas pinapadama sa mga mambabasa epekto ng mga suliranin. 

Panandaliang Paraiso (Tangke)

Ang akda na ginawa ni Ferdinand Jarin ay isang natatanging gawa.Ito ay kakaiba dahil ang sarili niya buhay ang ginawa niya basehan sa pagawa nito. Ang akdang “Tangke” ay isang storya tungkol sa mga alaala ni Jarin nung siya ay bata pa. Ito ay parehas din ng kanyang akdang “Ang Anim na Sabado ng Beyblade at mga Sanaysay” na ginagamit din ang kanya mga alaala. Para sa akin, hindi lang puro alaala ang naging basehan ng pagsulat ni Jarin ng “Tangke” dahil sa kanyang paglaki, nababago ang kanyang pagtingin at pananaw sa mga bagay na nakita niya nung bata pa siya.
Sa akda na ito, Malaki ang naging papel ng lugar/ settings na ginamit. Pinapahiwatig nito kung gaano nakakaapekto ang lugar sa mga sitwasyon ng buhay. Nagsimula ang storya dahil lumipat ang may akda mula sa Maynila papuntang probinsya. Ito ang naging dahilan ng problema ng may akda sa kwento. Dahil baguhan siya sa lugar, hindi maiiwasa na siya ay tuksuhin at asarin ng mga kapwa bata. Tinatawag nga siyang bubuwit o maliit na daga dahil sa kanyang maliit na tangkad. Malaki nga ang impluwensiya ng lugar sa buhay ng mga tao.Tulad lang nangyari sa mayakda, ang paglipat niya ng lugar ang naging dahilan kung bakit siya nagkaroon ng mapait na alaala nung bata pa siya.

Maraming simbolismo ang akdang ginawa ni Jarin. Dahil sa pangaasar sa kanya ng mga kapwa bata, nakahanap ng paraiso si Jarin sa taas ng isang Tangke ng tubig. Sa taas ng Tangke, pakiramdam niya ay siya ang nakakataas sa lahat. Sa taas ng tangke, hinid na siya aasarin ng mga tao bilang isang bubuwit. Ang sitwasyon na ito ay sumisimbolo sa kagustuhan ng mga taong makaangat sa buhay. Sino ng aba hindi gusting gumanda at umangat sa buhay. Kapag ang tao ay nakakaranas ng hirap, normal lang na maghangad sila ng magandang kinabukasan. Bilang isang mag-aaral, ang pinapahiwatig ng kwento ay nararanasan ko rin. Hindi madaling mag-aral ng kolehiyo. Sa pag-aaral, maraming pagsubok na dadating. Madali ring mapanghinahan ng loob ang mga mag-aaral. Kailangan din namin ng sarili naming “Tangke”. Kailangan namin ng gabay na magpapakita sa amin na aangat kami sa paghihirap ng pinagdadaanan namin. 

You Sold Yourself to Satan (Satan Has Already Bought U)

Malaking problema sa kasalukuyan ang paggamit ng droga ng mamamayan. Ang shabu at iba pang pinagbabawal na droga ay isa sa mga dahilan ng maraming krimen na nangyayari ngayon sa bansa. Maraming krimen ang nagmumula sa paggamit o pagbenta ng pinagbabawal na droga. Ang akda ni Lourd De Veyra na “Satan Has Already Bought U” ay nagpapakita kung gaano ba kalala ang epekto ng droga sa pag-iisip at moralidad ng isang tao.
Sina Cesar at Franco ay mga pangunahing tauhan ng akda. Parehas silang drug addict. Sa pag-uusap nila, malalaman ang sitwasyong ng lugar ng kinabubuhayan nila. Sa pagkweto ni Cesar, mapapansin ang dami ng taong lalang sa illegal na droga. Bata man o matanda, walang ligtas sa impluwensiya ng pinagbabawal na droga. Sa ating bansa, ang mga karaniwang nagdrodroga ay ang mga may problema sa buhay, lalo na ang problema sa pera. Ang droga ay sumisira sa pag-iisip ng mga tao. Ang mga gumagamit nito ay nawawalan sa pag-iisip at nakakaranas ng pagka-“High”. Ito ang dahilan ng pagkalalang ng mga tao sa droga. Gusto nilang malawa sa isip nila ang mga problemang kinakaharap nila. Sa pagkwento si Cesar ng mga tao nagdrodroga, nagpapahiwatig ito ng kalagayan ng tao sa kanilang lugar. Lahat ng tao pwede maging biktima ng droga. Sa akda, pati mga pulis ay nagdrodroga na sangkot sa pagbebenta nito. Pinapahiwatig nito kung gaano kalakas ang impluwensiya ng droga. Bilang mga pulis, sila dapat ang tamang modelo sa mga mamamayan. Sila dapat ang gumagawa ng tama at iniiwasan ang ano mang illegal. Sa pagsabi sa kwento na pati mga pulis ay drug addict, ipapahiwatig nito kung gaano kalala ang sitwasyong ng droga.
Sa huli ng akda, mas pinapakita ang epekto ng droga sa pag-iisip ng isang tao. Ang pagpatay ni Cesar kay Franco sa huli, mas pinibigayan pansin ang katinuan ng pag-iisip ni Cesar. Sa umpisa palang ng storya, mapapansin na kakaiba ang pag-iisip ng drug addict. Mas lumala ito nung pinatay niya si Franco dahil akala niya siya ay niloloko nito. Walang tao sa tamang katinuan ang gagawa ng ganitong krimen. Si Cesar ang nagrerepresenta ng mga pwedeng gawin ng tao kapag sila ang nagpatalo sa droga

Sa kabuuan, nairepresenta ng akda ang sitwasyon ng droga sa Pilipinas. Pinapakita rin dito kung paano nawawala ang katinuan at moralidad ng mga taong guagamit nito. Para sa akin, ang akda ay makakatulong upang malaman ng mga tao na walang magandang maidudulot ang paggamit ng droga. Ang saya na binibigay nito ay katumbas din ng katinuan na nawawala sa paggamit nito. 

Tapang Sa Pagsasalita (Rosa)

Kakasimula palang magkaroon ng pantay na karapatan para sa mga kababaihan. Ngayon, lumalaban na ang mga kababaihan para sa pantay na pagtrato. Sa idea na ito nabuo ang “Feminism” Ang mga feminists ay ang mga tao, babae man o lalaki, na naniniwala at ipinaglalaban ang ”equal rights regardless of gender”.  Maraming ginagawang hakbang ang mga feminsts upang ipakita ang pantay na estado sa lahat. Sila ay nagrarally at nagsasalita sa masa. Sa isang narrative, ng dating comfort woman, makikita ang tapang ng isang babae sa pagsabi ng kanyang mapait na karanasan.
Noon, halos walng karapatan ang mga kababaihan. Sa narrative ni Rosa, sinabi niya na parang baboy ang pagtrato sa kanya ng mga lalaki. Si Rosa ay isang ”Comfort Woman” noong panahaon ng pananakop ng mga Hapon. Ang mga comfort women ay ang mga kababaihan na binibigay ang kanilang katawan para sa mga sundalong gustong makipagtalik. Punong-puno ang narrative ni Rosa ng mga hindi makatarungan na pagtrato sa mga kababaihan.
1.)    Ang mga babae ay sapilitang ginagawang comfort woman
2.)    Ang tingin sa kanila ng mga sundalo ay ”Sex Slaves”
3.)    Walang silang karapatang tumanggi kung ayaw nilang masaktan
4.)    Wala silang ”Privacy”

Malaking bagay ang ginawa ni Rosa sa pagkwento ng kanyang karanasan bilang isang comfort woman. Sa kasalukuyan, kahit umiiral na ang ”female empowerment” may mga kababaihan parin na nakakaranas ng takot. Rape ay isa sa seryosong problema na kinakaharap ng mga kababaihan. Ang mga biktima nito ay natatakot magsabi sa iba ng kanilang naranasan. Naiisip nila na baka magbago ang tingin o husgahan sila ng mga tao. Para sa akin, si Rosa ay isang magandang halimbawa para sa lahat. Hinid siya natakot na ibahagi sa lahat ang kanyang naranasan dahil alam niya na hindi dapat tinatago ang nakaraan. Ang nakaraan ay nangyari na, walang sino man ang kayang baguhin ito. Ang magagawa lang ng mga tao at tanggapin ito. Wala dapat matakot na ibahagi ang kanilang nakaraan at walang karapatan ang mga tao na husgahan sila gamit ito. 

Edukasyon Vs.Kahirapan (Walong Taong Gulang)


Edukasyon ay isang napakahalagang bagay sa buhay ng isang kabataan. Lahat ay may karapatan sa maganda at kumpletong edukasyon ngunit hinid lahat ng kabataan ay kayang makapag-aral. Sa Pilipinas, bilang isang 3rd world country, maraming tao na nawawalan ng karapatan mag-aral dahil sa kahirapan. Ang kahirapan ang umaagaw sa kanila ng kanilang karapatan na makapag-aral. Ngunit hindi lamang mga mag-aaral ang apektado ng kahirapan, pati mga guro rin ay naaapektohan. Ang kwentong ”Walong Taong Gulang” ay tumutukoy kung sa realidad na nangayayari ngayon sa Pilipinas.
            Ang storya ay umiikot sa relasyon ni Miss de la Rosa, isang guro, sa isa sa kanyang estudyante na si Leoncio. Mahahalintulad ang kanilang relasyon sa isang ina na nag-aalala sa kanyang anak. Si Leoncio, kahit hindi diretsyong binanggit sa storya, ay isang kabataan na nakakaranas ng kahirapan. Lagi ito napapansin ni Miss de la Rosa at bilang isang guro, siya ay nag-aalala para sa kanyang estudyante. Nang bumisita si Miss de la Rosa sa bahay ni Leoncio, doon niya talagang nalaman kung gaano kahirap ng pinagdadaanan ng bata at ng kanyang pamilya. Normal sa ating bansa ang ganitong sitwasyon, lalo na sa paaralan. Sanay na tayong makakita ng mga bata na nasa langsangan at namamalimos imbis na nag-aaral sa paaralan. Kahit na ang pampublikong paaralan ay libre para sa lahat, marami parin mga kabataan ang hindi nag-aaral. May mga kabataan din na nais makapag-aral ngunit nahihirapan din dahil kahit paano, may kailangan parin bayaran at panggastusan sa pampublikong paaralan tulad ni Leoncio. Sila dapat ang pag-asa ng kinabukasan pero dahil sa kahirapan, pati sa kanilang sarili, nawawalan na ng pag-asa. Ang storya ay hindi lamang nakasentro sa mga kabataan na apektado ng kahirapan kundi pati narin sa mga guro. Normal din ang makakita ng isang guro na nagtuturo sa napakaraming mag-aaral. Ang pagiging guro sa pampublikong paaralan ay hindi biro. Maliban sa sobrang daming tuturuan, kakaunting lamang ang sweldo. Ito ang dahilang kung bakit may pagkukulang ng guro dito sa Pilipinas. Ang kakulangan din sa guro ay may malaking epekto sa kwalidad ng edukasyon. Sa dami ng estudyanteng hinahawakan ng isang guro at sa kaunting bilang ng mga nagtuturo ay hindi na naaatupag ng guro ang bawat isa sa kanyang mga estudyante. 
            Sa kwentong isinulat ni Genoveva Edroza-Matute ay nagpapahiwatig ng problema na ating bansa sa kahirapan at kung paano ito nakakaapekto sa edukasyon ng mga tao. Bilang isang guro, alam ni Genoveva ang tunay na problema na umiikot sa kahirapan at edukasyon. Ginamit niya ang kanyang sariling karanasan upang makagawa ng isang akdang nagpapakita ng tunay na kalagayan ng lipunan.


Problema sa isang Storyang Pambata (Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan)

Ang isang storyang pambata ay kadalasang nakasentro sa mga tamang gawain. Pwede itong tungkol sa pagsabi ng katotohanan o paggawa ng nararapat. Ang storyang “Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan” ay isang halimbawa ng pambatang storya na nakatuon sa paggawa ng nararapat. Ang storya ay umiikot sa pagliligtas ni Pilandok ng mga itlog ng pawikan na gutsong kainin ni Datu Usman. Si Pilandok ay isang tauhan na ginagamit ang kanya angkin na talino upang siya ay magtagumpay. Dahil sa katalinuhan niya, nagawa niyang iligtas ang mga itlog mula kay Datu Usman. 
Maliban sa konteksto na paggawa ng nararapat, ang storya rin ay nagpapahiwatig ng seryosong problema tungkol sa kalikasan. Ang pawikan o sea turtle ay isang hayop na makikita sa mga karagatan ng Pilipinas. Sila ay mga reptile na naninirahan sa karagatan at nangingitlog sa dalampasigan. Sa kasalukuyan, sila ay tinaguriang “Endangered Species”. Maraming “Poachers” ay kumukuha ng kanilang mga itlog at binebetna o ginagawang pagkain. Minsan lang mangitlog ang mga pawikan at dahil sa pagkuha ng mga itlog nila, nababawasan ang kanilang bilang. Maraming nang batas at aksyon ang ginawa ng pamahalaan upang pangalagaan ang mga pawikan at siguraduhing hindi na mababawasan ang kanilang mga bilang.

Ang pagiging endangered ng mga hayop ay kasalanan ng mga tao. Kung susuriin ng mabuti, ang pagkagahaman at pagabuso sa kapangyarihan ang nagiging sanhi nito. Maliban sa pawikan, maraming pang mga hayop na unting unti na nababawasan dahil kagustuhan ng mga taong pagkakitahan sila. Isa rito ay ang Rhinoceros na makikita sa Africa. Malaking halaga ng pera ang katumbas ng kanilang sungay at ito ay habol ng mga tao. Kahit pa mapanganib ang mga Rhinoceros, gagawa parin ng paraan ang mga tao upang makamit ang kanilang sungay. Ito ang katumbas sa relalidad ng storya. Mga taong gahaman sa kayamanan at magagawa nilang pumatay ng hayop para lamang makamit ito. Para sa akin, ang pagiging mouse deer ni pilandok ay may simbolismo maliban sa panggakit sa mga kabataan. Ang pagiging hayop ni pilandok at pagiging tao ni Datu Usman ay sumisimbolo sa ideya na may mga tao mas malala pa kaysa sa hayop. Ang buong storya ay pwedeng tingnan bilang isang pahiwatig ng mga pangit na katangian ng mga tao.  Kung titingnan ng maigi, napakalalim ng storya na ito at umaasa ito sa kamangmangan ng mga bata sa mga problema ng mundo.