Dahil sa pananakop ng ibat-ibang bansa, naghahalo ang mga kultura sa
Pilipinas. Bawat bansang sumakop sa atin ay nag-iwan ng kanilang impluwnesya at
kultura. Ang pagiging ”Colonial Mentality” ng mga Pilipino ay isang produkto ng
pananakop ng mga dayuhan. Ang ”Colonial Mentality” ay ang pagtangkilik ng
mga tao sa mga produkto o kultura ng mga dayuhan. Sa akdang “Kamay, Kubyertos,
at Sipit“, makikita kung paano nagbago an gating kultura dahil sa pananakop ng
ibang bansa lalo na ang Amerika.
Sa
storya, nakasentro ito sa paraan ng pagkain ng mga Pilipino at Amerikano. Si
Donya Supyag ay ang tauhan na gusto ipatupad ang pagkain gamit ang kultura ng
Amerika. Para sa kanya, mas maganda raw gumamit ng nga Kubyertos kaysa sa
paggamit ng kamay. Sa character ni Donya Supyag, mapapansing ang pagiging
“Colonial Mentality” ng mga Pilipino. Ang pagkain gamit ang mga kamay ay isang
kultura ng mga Pilipino. Sa kagustuhan ni Donya Supyag na ipatupad ang paggamit
ng kubyertos ay parang din niya tinataboy ang kultura ng mga Pilipino.
Maraming
Donya Supyag sa totoong buhay. May mga Pilipino na mas binibigyan halag ang
kultura ng America kaysa sa sariling kultura. Hindi naman natin masasabi na
kasalanan nila ang mga ito. Ang pananakop ng America ang naging sanhi ng
ganitong pag-iisip ng mga Pilipino. Kung susuruin at pag-aaralan ng maigi,
mapapansin natin na hindi tayo pisikal na sinakop ng mga Amerikano ngunit
nagawa nilang itanim sa ating isipan ang kanilang mga kultura. Ito ang
tinatawag na Neocolonialism. Nagawang itanim ng mga Amerikano sa ating mga utak
na sila ay kaibigan at dahil dito nagagawa nila at anumang gusto nila sa ating
bansa. Dahil din dito, nagkakaroon ng mentalidad ang mga tao na mas maganda
kung tuluyan na tayong sakupin ng amerika. Hindi talaga natin pwedeng sisihin ang mga
Pilipino sa pagtangkilik sa produkto ng ibang bansa ngunit hindi ibig sabihin
nito ay dapat na nila baliwalain ang sariling kultura. Tayo ay mga Pilipino at
dapat natin pinagmamalaki ang ating sariling kultura. Dapat hindi natin
kinakahiya ang pagkain gamit ang kamay, pagsuot ng barong tagalog o paglalaro
ng sipa. Hindi na natin mababago ang pananakop na ginawa sa atin ng Amerika
pero may magagawa tayo para sa kinabukasan. Mahalin natin ang ating kultura.
Ang
akdang “Kamay, Kubyertos, at Sipit” ay nagpapahiwatig na para hindi tuluyang
mawala ang kultura natin, kailangan tayong kumilos. Hindi magbabago ang mga
sitwasyon ngayon kung walang tayong gagawin para baguhin ito.